Thursday, June 16, 2016

Pinoy Viral Issues

Pinoy Viral Issues


Dahil Sa Takot Na Mapatay, Mga DRUG PUSHERS at USERS Sumuko Na!

Posted: 16 Jun 2016 09:23 AM PDT


Boluntaryong sumuko ang mga gumagamit at nagtutulak ng Illegal Drugs sa Rosario Agusan Del Sur. Sa covered court nagtagpo ang mga awtoridad at mga taga Rosario Agusan Del Sur na mga aminadong gumagamit at nagtutulak ng illegal na drugs. Ayon sa kanila, boluntaryo silang sumuko dahil nasa drugs watch list ang kanilang mga pangalan. Nanumpa pa sila na tatalikuran na nila ang masamang bisyo. Sumuko umano sila matapos maiulat na may tatlong hinihinalang sangkot sa illegal drugs ang pinagpapatay nitong buwan. Ayon kay Insp. Christopher John Viajar, lahat daw ng mga suspected drug personalities ay binibisita nila sa mga bahay nila upang hikayatin sila na itigil na ang involvement nila sa illegal drugs.




Pumirma sila ng kasulatan at nanumpa na hindi na sila gagamit o magtutulak ng illegal drugs. Ayon sa mayor ng bayan na si Jose Cuvos, Sr., kusang sumuko ang mga nasabing drug users at pushers pero hinihimok pa rin nila na sumuko na ang lahat ng involve sa ipinagbabawal na gamot at magbagong buhay. Itinanggi naman ng PNP na may kinalaman sila sa pagpatay sa ilang mga drug personalities.


Share:

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Popular Posts

Powered by Blogger.